Pang-abay, pang-angkop at wastong gamit



                 Pang-abay o sa ingles ay "adverb". Ito ang nagbibigay turing sa pandiwa, panghalip, o kapwa pang-abay. Nilalaman ng mga uring: Pamaraan, Panlunan, Pamanahon, Panggano, Panang-ayon, Pananggi, Pang-agam, Kundisyonal, Kusatibo, Benepaktibo at Pangkaukulan.  
              
               Pang-abay na pamaraan, ito ay naglalarawan kung paano naganap ang kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na "Paano?".Nang at na ang kabilang sa mga pananda nito.

                 Ang pang-abay na panlunan tumutukoy sa pinangyarihan ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na "Saan?".Ang salitang "sa" ang sumusunod sa mga pang-abay na panlunan.

                Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na "Kailan?".Tuwing, Noong, Nakaraang ang ilan sa mga sumusunod sa pang-abay na pamanahon.
            
               Ang pang-abay na panggano ay nagsasaad ng timbang at sukat. Ito ay sumasagot sa tanong na "Gaano?". Puntos, talampakan, kilo, atbp. ang halimbawa ng pang-abay na panggano. 

            Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-katiyakang kilos ng pandiwa, tulad ng marahil, baka, siguro atbp.

              Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Halimbawa nito ay Oo, Opo, Sadya, tiyak atbp. Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtanggi.Kabaliktaran sa pang-abay na panang-ayon. Ilan sa mga halimbawa ay hindi at ayaw.

                      Ang pang-abay na panulad ay ginanagamit panghambing sa dalawang bagay. Halimbawa nito ay higit na, di-gaano atbp.       
             
                Ang pang-abay na kusatibo ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.Dahil sa, sanhi ng/sa, bunga ng/sa ang ilan sa mga halimbawa.

             Ang pang-abay na benepaktibo ay nagsasaad ng benepisyo sa pangngalan dahil sa pagkaganap ng kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.Para, upang ang kabilang sa mga pang-abay na benepaktibo.
    Ang pang-abay na kundisyonal ay  nagsasaad ng kundisyon upang maganap ang kilos ng pandiwa.
              Pangkaukulan ay nagsasaad ng pinag-uukulan ng kilos. Ukol, tungkol at hinggil ang ilan sa mga pang-abay na pabgkaukulan. 
                
             Ang pang-angkop ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na nag-uugnay sa panuring, katulad ng pang-uri at ng pang-abay at salitang tinuturingan. Halimbawa nito ay na, -ng, -g.
                
            

           Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at panhalip na panao sa kaukulang ari. Ang mayroon naman ay ginagamit na panagot sa tanong at kataga sa salitang kasunod nito.              Ang  nang ay ginagamit kapag inuulit ang pandiwa, sumusunod na salita ay pang-uri at sumasagot tanong na "paano?" ang susunod na salita. Ang ng ay ginagamit kapag sumasagot sa tanong na "Ano?" ang susunod na salita.
                  Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri sa uri kakayahan ng isang pangngalan. Ang subukan ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang/mga tao. 
              Ang pahirin ay ang pag-alis ng bagay habang ang pahiran ay ang paglagay nag kaunting bagay. Ang iwan ay ang hindi pagsama sa isang bagay habang ang iwanan ay ang pagbigay ng bagay sa isang tao.
             Ginagamit ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi. Ginagamit ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat.
              
          
             
              
               
    
          
              
             
.
                  
                   
                                         



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento